SMNI News
SINIMULAN na kahapon, Agosto a-dose ang pinalawak na virus testing ng Home Affairs Department para sa apatnapu’t apat na libong residente sa dalawampu’t dalawang gusali at mga kabahayan sa siyam na distrito ng Hong Kong.
Unang isinagawa ang libreng pagsusuri kahapon sa mga residente ng Wong Tai Sin.
Pinapayuhan ang lahat ng mga residente na magdala ng kanilang mga balidong dokumento ng pagkakakilanlan bago makakuha ng face mask at sampling kits para sa throat swab.
Namahagi na rin ng virus sampling kits ang departamento para sa mga residente ng Chung Yuen House sa Chuk Yuen North Estate sa Wong Tai Sin at sa Tai Kung Building sa Cosmopolitan Estates ng Tao Kok Tsui.
Kasama rin sa susuriin sa virus ang lahat ng mga residente sa Mei Lam Estate, Hin Keng Estate sa Shatin, Tin Chak Estate sa Yuen Long, Choi Ming Court , Fu Ning Garden sa Teung Kwan O, Cheung Shan Estate sa Tuen Wan, Tak Long Estates sa Kowloon City at ang Cheung Ching Estate sa Tsing Yi.
Pinuna naman ng ilang mga residente ang hakbang na ginawa ng gobyerno. Anila ang pagkakaroon ng massive virus testing ay dapat na sinimulan na noon pa, lalo na sa mga high risk na lugar bago pa man tumaas ang bilang ng mga impeksyon sa Hong Kong.