Ni Melrose Manuel
NAG-IWAN ng malaking pinsala ang magnitude 6.6 na lindol na tumama sa bayan ng Cataingan sa Masbate.
Batay sa kuha ng Masbate Provincial Bureau of Fire and Protection, makikita ang gumuho at nasirang mga bahayan.
Dalawampu’t pito naman ang naitalang sugatan na nilalapatan ng paunang lunas habang isa naman ang nasawi.
Ilang gusali rin ang napinsala sa Cataingan dahil sa pagyanig. Kabilang dito ang Public Attorney’s Office, Old at New Cataingan Public Market, Cataingan Municipal Police Station, concrete road at docking area ng Cataingan Port.
Kaugnay nito, tinaguriang pinakamalakas na lindol simula noong 2003 ang tumamang pagyanig sa ilang bahagi ng Masbate.