Ni Mhet Sanding Miñon
NASA isandaan at siyam na barangay ang apektado ng COVID 19 sa Iloilo City.
Ito ay ayon sa data ng city government mula sa kabuuang isandaan walumpung barangay ng lungsod.
Sinabi ni Mayor Jerry Treñas na pinakamaraming kaso ay sa Barangay San Juan sa Molo District kung saan animnapu’t apat ang mga nagpositibo sa COVID-19.
Sinundan aniya ito ng Barangay Rizal sa Pala Pala 2 na nasa city proper na nakapagtala ng tatlumpu’t dalawang COVID-19 positive.
Kaugnay nito, umapela si Treñas sa mga Ilonggo na paigtingin pa ang pag-iingat at laging sundin ang guidelines at health protocols.