Ni Melrose Manuel
UMABOT na sa mahigit 13 milyong pamilya ang nabigyan ng cash assistance mula sa ikalawang yugto ng Social Amelioration Program ng pamahalaan.
Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) hanggang kahapon, Agosto 20, umabot na sa mahigit P78.4 bilyon ang naipamahagi ng DSWD sa mahigit 13.1 milyon na pamilyang benepisyaryo ng SAP.
Ayon sa DSWD, kabilang sa nabigyan ng subsidiya ay ang 1.4 milyon na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries.
Maging ang mahigit 5.7 million low-income, non-4Ps families; mahigit 3.1 million waitlisted families sa buong bansa at mahigit 1.7 million families sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Nasa 128,074 naman na transport network vehicle service/public utility vehicle drivers ang nakatanggap ng aid.
Sinabi ng DSWD na ginagawa nila ang lahat at nakikipag-ugnayan sa mga LGU at kanilang Partner-Financial Service Providers (FSPS) para matapos ang distribusyon sa lalong madaling panahon.