Ni Melrose Manuel
PUSPUSAN ang pagsasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga proyekto upang madagdagan ang bilang ng isolation at quarantine facilities ng bansa.
Ito ay kasabay ng patuloy na pagdami ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19.
Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, sa pagtatapos ng buwan ng Agosto tinatayang 300 quarantine facilities na may kabuuang 12,000 bed capacities ang inaasahang matapos.
Hiwalay pa dito ang ongoing 95 facilities na may halos 3,000 additional bed capacity.
Layon nito na ma-accommodate ang lahat ng probable at suspected COVID-19 patients upang mapigilan na ang posibilidad na makahawa pa ito.
Bukod dito, tinatrabaho na rin ng ahensya ang paglalagay ng karagdagang ICU beds sa mga ospital upang matugunan ang pagka-puno ng ilang ospital.