Ni Admar Vilando
MALAKI ang posibilidad na patama sa Duterte administration ang Manila Province of China incident kamakailan upang ipahiya ang pamahalaan.
Ito ang naging pananaw ni dating Senate President Juan Ponce Enrile sa kanyang weekly program na ‘Dito sa Bayan ni Juan’ sa DZAR 1026 Sonshine Radio.
Ayon pa kay Manong Jhonny, maaaring ang mga kritiko o kalaban sa pulitika ng pangulo ang nasa likod ng pagpapakalat ng beauty product na may tatak na Made in Manila Province of China.
Dagdag pa ng batikang senador, sa pag-umpisa pa lang ng Duterte administration isinusulong na nito ang Independent Foreign Policy kanya naman sinang-ayonan kung saan nakipagkaibigan ito sa China, sa Russia at iba pa maliban sa Estados Unidos.
Posible anyang ang mga hindi sumang-ayon sa hakbang na ito ng pangulo ang nasa likod ng insidente.
Sa kasalukuyan ay pinapaimbestigahan na sa NBI ang operasyon ng mga nagpakalat ng produkto na may tatak na Manila Province of China.