Ni Karen David
MANANATILING epektibo ang mga student permit na mapapaso na ang bisa sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) o Modified ECQ.
Ito ang inanunsyo ng Land Transportation Office o LTO ngayong araw.
Sa abiso ng LTO, tatagal ang bisa ng mapapasong student permit hanggang sa unang araw ng pagbabalik operasyon ng mga opisina ng LTO.
Iaanunsyo naman ng ahensya kung kailan ang kanilang pagbabalik.