Ni Melrose Manuel
SANG-AYON si Marikina City Mayor Marcilino Teodoro sa derektiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na italaga ang mga gabinete sa iba’t ibang mga local government unit.
Sa panayam ng SMNI News, makatutulong aniya ang naturang hakbang upang mapabilis ang anumang programa ng mga lokal na pamahalaan kontra COVID-19 sa tulong ng national government.
Kaugnay nito, nabibigay naman aniya ng national government sa tamang oras ang mga pangangailangan ng lokal na pamahalaan ng Marikina.
Samantala, ayon kay Mayor Teodoro, mayroong resources ang mga LGU ngunit dapat magamit nang mabuti para sa kailangan ng mga nasasakupan.