Ni Pat Fulo
PATULOY pang inaalam ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagkakakilanlan ng may-ari ng dalawang ostrich na namataang gumagala sa isang subdivision sa Quezon City.
Ayon kay Usec. Benny Antiporda, nang bisitahin ng ahensya ang subdivision ay hindi na nito naabutan ang mga ostrich kaya naman bigo silang matukoy kung sino ang may-ari nito at sino ang dapat na kasuhan dahil sa insidente.
Nabatid din ng ahensya na tanging DENR transport permit lamang ang mayroon ang mga wild animals kaya iniimbistigahan na rin kung sino ang nag-issue ng naturang permit.
Tiniyak naman ng DENR na patuloy ang kanilang imbestigasyon kaugnay ng insidente.