Ni Tony Cuevas
ISASAILALIM muli sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) at Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal simula bukas, agosto dise nuwebe hanggang a-trenta’y uno.
Ito ang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kagabi sa kanyang public address na ginanap sa Davao City kasama ang ilang miyembro ng gabinete sa pamamagitan ng virtual meeting.
Kabilang din sa inilagay sa GCQ ay ang Nueva Ecija, Batangas, Quezon sa Luzon; ang Iloilo City, Cebu City, Lapu Lapu City, Mandaue City, Talisay City, mga munisipalidad ng Minglanilla at Consolacion sa Cebu Province.
Ang iba pang mga lugar sa Pilipinas na hindi nabanggit ay nasa ilalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).