Ni Vic Tahud
PINANUKALA ni Department of the Interior and Local Government (DILG) na dapat magkaroon ng sariling isolation facility ang bawat barangay sa bansa.
Ito ang pinanukala ni DILG Secretary Eduardo Año sa naging pagpupulong kasama ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Dagdag pa ni Año, ito ay gagamitin para sa mga COVID-19 patients na mayroong banayad na mga sintomas at mga asymptomatic.
Inirekomenda rin ito ng IATF dahil napupuno na ang mga ospital ng bansa dahi sa dumaraming bilang ng mga COVID-19 patients.