Ni Melrose Manuel
TATANGGAP ng limang daang pisong hazard pay ang mga pampublikong guro sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine at Modified ECQ
Ayon sa DepEd ang pagbibigay ng hazard pay ay nakasaad sa Administrative Order No. 26 na nagkakaloob ng hazard pay sa mga government worker.
Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla ang mga empleyado sa ilalim ng MECQ at ECQ kapag pinapasok ay eligible sa hazard pay.
Aniya makatatanggap ng P500 ang mga guro sa Setyembre. Para sa kanilang annual medical check exam at P1,000 naman sa Oktubre para sa World Teachers Day.