Ni Karen David
UMABOT na sa 47 ang bilang ng mga Pilipino na nasugatan sa nangyaring pagsabog sa Beirut, Lebanon noong nakaraang linggo.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng lima pang Pilipino na nasugatan sa trahedya.
Nagpapasalamat naman si Undersecretary Sarah Lou Arriola na hindi life-threatening ang mga tinamong pinsala ng mga Pinoy.
Sa ngayon, inihahanda na ng DFA ang repatriation ngayong linggo ng apat na Pinoy na nasawi sa pagsabog.
Ang DFA chartered flight ay mag-uuwi rin ng nasa 400 OFWs sa Lebanon na nais nang umuwi sa kani-kanilang pamilya.