Ni Melrose Manuel
DAPAT may mga pulis na nakaantabay sa remittance centers.
Ito ang suhestiyon ng Department of the Interior and Local Government ngayong nagpapatuloy pa ang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP).
Ani DILG Spokesman Jonathan Malaya, makatutulong ito para mamonitor ang social distancing at pagsusuot ng face masks sa mga kumukuha ng ayuda lalo na’t mahaba ang pilahan dito.
Dagdag pa ni Malaya na mas mainam din na magtalaga ng mga barangay tanod bilang karagdagang taga-monitor.
Ang mga wait-listed beneficiaries ay makakatanggap ng 16,000 pesos at 8,000 naman sa mga original beneficiaries ng SAP.