Ni Mhet Sanding Miñon
NAKATANGGAP ng assistance ang mga may ari ng mga tubuhan sa Negros Occidental mula sa Department of Agriculture upang makabalik ang ‘sacadas’ o mga migrant sugarcane workers sa Setyembre, panahon ng milling season.
Dahil dito, nagpaabot ng pasasalamat sa DA ang Confederation of Sugar Producers Associations Negros-Panay Chapter sa pangunguna ni Chairman Nicolas Ledesma Jr.
Naging katanggap tanggap din sa nasabing grupo ang pagpapahintulot ng mga government leader upang maipatupad ang ‘to-work travel’ ng mga migrant sugarcane workers.
Nabatid na nasa limanlibo hanggang anim na libong migrant cane cutters na residente ng Antique ang nagtatrabaho sa mga plantasyon ng tubo sa Negros Occidental.