Ni Justine Nazario
IBINAHAGI ni comedian-actor Michael V. na kasalukuyan na siyang nagpapagaling mula sa COVID-19.
Sa isang panayam sa komedyante, masaya aniya siya dahil unti-unti nang bumabalik ang kanyang pang-amoy at lakas.
Dagdag pa nito na hindi biro ang pagkakaroon ng COVID-19 kaya dapat hindi ito ipagsawalang bahala.
Magugunita na nitong Hulyo a-bente nang inanunsyo ng aktor na siya ay nagpositibo sa naturang sakit.