Ni Melrose Manuel
POSITIBO ang Miss Universe Philippines organizers na matutuloy na rin sa wakas ang kanilang first-ever pageant sa Oktubre.
Ito ay matapos na dalawang beses na maantala ang kauna-unahang Miss Universe Philippines bunsod ng banta ng COVID-19.
Inihayag ng creative and events director ng pamosong pageant na si Jonas Gaffed na walang duda nilang itutuloy ang kompetisyon sa Oktubre a-25 kapag wala nang naging problema.
Sakaling matuloy, ito ang kauna-unahang beses na kokoronahan ang magiging pambato ng Pilipinas sa prestihiyosong Miss Universe Pageant na hindi mula sa Binibining Pilipinas.