Ni Melrose Manuel
INANUNSIYO ng Miss World Organization na kanselado ang 70th Miss World Beauty Pageant o Miss World 2020 dahil sa dalang panganib ng COVID-19 pandemic.
Ang nasabing anunsiyo ay mula kay chairman at CEO ng Miss World na si Julia Morley.
Tiniyak naman nitong sila’y muling mag-aanunsiyo kapag magkakaroon na ng panibagong skedyul para dito.
Ayon kay Morley, ginawa nila ang desisyon para sa kaligtasan ng kalusugan ng lahat habang nilalabanan ang banta ng COVID-19.
Maalala na nauna namang nag-kansela ang pamunuan ng ibang international beauty pageants kasama ang Miss International 2020 at ang Miss Supranational 2020.