Ni Melrose Manuel
MAKAKATANGGAP ng 1.116 million pesos aid mula sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa Probinsya ng Antique.
Ito ay ayon kay DTI-Antique Information Officer Engineer Lynna Joy Cardinal sa pamamagitan ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa Program ng ahensya.
Layunin aniya nitong matulungang makaahon ang mga may-ari ng maliliit na negosyo na apektado ng pandemya.
Sinabi ni Cardinal na ang mga beneficiaries ay tinukoy ng mga Negosyo Center Business Councilors sa tulong ng Municipal Economic Enterprise and Development Offices at Municipal Social Welfare and Development Office.