Ni Melrose Manuel
INIHAYAG ng World Health Organization (WHO) na isasailalim na sa review ang COVID-19 vaccine na inaprubahan ng Russia.
Kahapon nang inihayag ni President Vladimir Putin, na ang Russian ang kauna-unahang bansa na nag-apruba ng bakuna laban sa COVID-19.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan sa Russia si United Nations Health Agency’s Spokesman Tarik Jasarevic para sa WHO pre-qualification sa bakuna.
Ang Sputnik V ng Russia ay ginawa ng Gamaleya Research Institute sa pakikipag-ugnayan sa defense ministry ng kanilang bansa.
Ayon sa WHO, mayroong 128 vaccines ang ginagawa sa buong mundo, 28 ang gumagawa na ng clinical trial, kung saan 6 sa mga ito ay nasa phase 3 na.
Samantala, inilista sa phase 1 ang nasabing bakuna na gawa ng Gamaleya, ngunit ayon kay Kirill Dmitriev, pinuno ng Russian Direct Investment Fund, sisimulan ng ngayon araw ng Miyerkules ang phase 3.