Ni Arjay Adan
NAGSAGAWA ang Milwaukee Bucks ng protesta sa NBA playoffs ngayong araw na nagpwersa sa liga na ipagpaliban ang tatlong laro.
Ang isinagawang protesta ng Milwaukee Bucks ay para sa “Black Lives Matter Movement” matapos na magkaroon na naman ng kaso ng pamamaril sa isang unarmed black man na kinilalang si Jacon Blake ng US police.
Ayon sa NBA, ipinagpaliban muna nito ang buong laro na naka-schedule ngayong araw matapos na tumangging maglaro ang Bucks sa Game 5 ng Eastern Conference First-Round Series laban sa Orlando Magic.
Suportado naman ng Los Angeles Lakers Superstar na si LeBron James ang ginawang desisyon ng Bucks at agad itong nag-tweet sa kanyang twitter account na pagod na sila sa injustice na nangyayari laban sa black community at nais nila itong baguhin.