Ni Karen David
BUKOD sa facemask, obligado na rin ang lahat ng pasahero ng mga pampublikong sasakyan na magsuot ng face shield.
Batay ito sa Memorandum Circular No. 2020-014 na inilabas ng Department of Transportation o DOTr.
Ayon sa DOTr, epektibo ito simula sa Agosto 15.
Habang obligado naman ang mga pasahero ng anumang sasakyang pandagat na magsuot ng face shield simula sa Biyernes, Agosto 7, 2020.
Ang ‘No Face Shield, No Riding Policy’ ng DOTr ay bahagi ng kampanya laban sa COVID-19.