Ni Justine Nazario
INANUNSYO ni Ohio Governor Mike Dewine sa publiko na positibo siya sa COVID-19.
Ayon sa ulat nakatakdang makipagkita si Dewine kay US President Donald Trump.
Bilang pagsunod sa standard protocol kung saan ay kailangan muna sumailalim ng kahit sinong makikipagkita sa pangulo.
Bunsod nito napag-alaman na carrier pala ng nasabing virus ang gobernador.
Ani Dewine, wala siyang naranasang kahit anong symptoms ng sakit.
Sa ngayon, nakatakdang umuwi ng Columbus si Dewine kung saan i-reretest siya pati na rin ang asawa nito.