Ni Melody Nuñez
TUMAAS sa 1.26 porsiyento ang kabuuang bilang ng mga Pilipino na naka-recover mula sa COVID-19 sa ibang bansa kumpara sa nakaraang araw matapos makapagtala ng panibagong 69 na gumaling kahapon, Hulyo a-31.
Bunsod ito upang umabot na sa kabuuang 5, 531 ang nakarekober sa sakit at nai-discharge na.
Sa huling datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa kabuuang 9,472 mga Pinoy ang nadapuan ng COVID-19 sa ibang bansa.
Ito’y matapos madagdagan ng 65 na panibagong kaso mula sa Asya at sa Pacific, Europe at sa Middle East.
Tinatayang nasa 3,275 sa mga kaso ay active cases at kasalukuyang nagpapagamot.
Umabot na rin sa kabuuang 666 ang pumanaw na Pinoy sa abroad bunsod ng COVID-19 wala namang naitalang nasawi kahapon.