Ni Vhal Divinagracia
DAPAT tutukan ng Department of Education (DepEd) ang resulta kung papalawigin pa ang oras ng online classes kung hindi nga ba ito nakapagdudulot ng karagdagang stress sa mga pamilya sa gitna ng pandemya.
Ito’y ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, chair ng senate committee, matapos inihayag ni DepEd Undersecretary Jesus Mateo na posibleng i-extend hanggang 7 to 8 hours ang online classes simula October 5.
Ikonsidera aniya ang panig ng mga magulang at estudyante dahil malaki na rin ang naging dagok ng pandemya sa mental stability ng publiko.
Hindi naman aniya nakakabuti ang matagal na pagkababad ng mga kabataan sa mga cellphones at laptops nito kung kaya’t dapat pag-aaralan muna ng DepEd ang proposal nito.