Ni Melrose Manuel
INIHAHANDA na ni Philippine Sports Commission (PSC) Chief of Staff at PSI National Training Director Marc Edward Velasco, ang pagbabalik-ensayo ng mga Pinoy Olympic Games Qualifiers at Hopefuls.
Ito ay kung papayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID).
Ayon kay Velasco, dadalhin nila ang nasabing mga Olympic qualifiers at aspirants sa PhilSports Complex sa Pasig City.
Sa ngayon, apat pa lamang ang mga Filipino athletes na may tiket para sa 2021 Olympics na gagawin sa Tokyo, Japan.
Naniniwala si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na aabot sa 15 ang mga Pinoy athletes na makakalahok sa 2021 Tokyo Games na iniatras dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.