Ni Melrose Manuel
PAPAYAGAN pa ring pumasada ang mga tricycle, e-trike at pedicab sa Lungsod ng Maynila.
Ito ay sa kabila ng umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila simula ngayong araw.
Ayon kay Manila City Mayor Francisco Moreno Domagoso, ito ay para matulungan ang mga empleyado, lalo na ang mga medical frontliners, matulungan ang ekonomiya, maproteksyunan ang kabuhayan, at matugunan ang pangangailangan ng mga ito.
Gayunman, sinabi ni Moreno na isang pasahero lamang ang maaring isakay ng mga ito.
Kaugnay nito, papayagan din ang pamamasada ng tricycle sa Mandaluyong, San Juan at Pasig City.