Ni Melrose Manuel
HINDI pa rin tiyak kung magkakaroon na ng bakuna laban sa COVID-19 ayon sa Department of Health.
Ito ay sa kabila nang pagpapahayag ng Russia na aprubado na nila ang Sputnik V COVID-19 vaccine.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa phase 3 pa lang ang nasabing bakuna at hindi masasabi kung matatapos na ang proseso sa buwan ng Disyembre.
Matatandaang, positibo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magkakaroon ng bakuna mula sa Russia sa buwan ng Setyembre o Oktubre.