Ni Pat Fulo
ITINAKDA na ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Setyembre ang pagsasagawa ng 2020 Census of Population and Housing (CPH).
Ito ay matapos maihanda ng ahensya ang mga kondisyon na tatalima sa guidelines na ng Department of Health (DOH) at IATF on Emerging Infectious Diseases sa pagsasagawa ng field census enumeration.
Umapela naman ang PSA sa publiko na lumahok sa 2020 CPH upang makuha ang kumpletong population data inputs na gagamitin para sa mga ilalatag na socioeconomic programs ng pamahalaan.
Tiniyak naman ng ahensya na susundin ng kanilang mga tauhan ang pagkakaroon ng social distancing at pagsusuot ng facemask at face shields sa kanilang pagbabahay-bahay.
Magugunitang orihinal na naka-schedule ang sensus noong buwan ng Mayo ngunit ipinagpaliban ito bunsod ng community quarantine.