Ni Melrose Manuel
PINAPANUKALA ng Department of Labor and Employment o DOLE sa Inter-Agency Task Force ang mandatory na pagsusuot ng face shields ng mga trabahante.
Ito ay para masiguro ang kaligtasan ng mga trabahante.
Kaugnay nito, sinabi ng DOLE na dapat ang mga may-ari ng negosyo ang bibili ng mga face shield.
Kaugnay nito, dapat pa rin aniyang pinatutupad ang palagiang paghuhuigas ng kamay, social distancing at ang pagsusuri sa body temperature ng mga trabahante.
Samantala, batay sa datos ng DOLE, umabot na sa halos tatlong milyong manggagawa sa buong bansa ang naapektuhan ang trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.