Ni Pat Fulo
NAGAALOK na ngayon ng mas mababang airfare para sa iba’t ibang domestic flights ang flag carrier na Philippine Airlines (PAL).
Layon nito na mapalakas ang pag-travel sa loob ng bansa simula ngayong buwan upang makatulong sa pag-angat ng local business at tourism establishments.
Maari na ngayong makapag-book ng flights sa PAL ang mga pasahero ng base fare for as low as 688 pesos para sa one-way economy travel sa pagitan ng ilang local na siyudad at PAL hub sa Manila, Clark at Cebu.
Kabilang sa ruta na maaring ma-book ay Legazpi, Kalibo, Tacloban, Butuan, Cagayan De Oro, Cotabato, Ozamiz, Pagadian, General Santos at Davao.
Ang mga mabibiling low fare ticket ay maaring gamitin hanggang sa loob ng isang taon.
Mayroon ding pagkakataon ang pasahero na maka-pagrebook ng libre.
Para sa karagdagang impormasyon pa tungkol dito, maaring bisitahin ang official website ng PAL.