Ni Melrose Manuel
LIMITADO lamang para sa mga medical frontliners at government employees ang operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS), simula ngayong araw.
Bilang tulong sa mga healthcare workers at government personnels ngayong MECQ, may handog na libreng sakay ang Pasig River Ferry.
Bukas ang free ferry rides sa estasyon ng pinagbuhatan, San Joaquin, Guadalupe, Valenzuela, Lawton at Escolta.
Kinakailangan lamang na magpakita ng valid ID upang makasakay nang libre.
Bukas ang Pasig River Ferry mula Lunes hanggang Sabado, alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.