Ni Arjay Adan
NAKABALIK na sa training ang ilang koponan ng PBA, isang malaking hakbang tungo sa plano ng liga na muling masimulan ang nasuspindeng season nito dulot ng COVID-19.
Matatandaan na sinuspinde ng NBA ang ongoing season nito noong Marso dahil na rin sa banta ng COVID-19, dahilan kung bakit hindi nakapag-ensayo ang iba’t ibang clubs sa kani-kanilang gyms.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nasimulan na nila ang training kahapon kung saan nauna ang Ginebra na sinundan naman ng Rain or Shine, Alaska, Blackwater at San Miguel.
Ayon sa guidelines ng PBA, ang pag-eensayo ay limitado lamang sa non-contact sessions, at ginagawa ito kada batch habang anim na indibidwal lamang ang pinapayagang mag-training nang sabay-sabay.
At bilang parte ng kanilang mahigpit na pagbabantay sa mga manlalaro at team personnel, sinabi ni Marcial na magsasagawa sila ng surprise visits sa mga ensayo.