Ni Karen David
NAGBITIW na sa kanyang pwesto si PhilHealth Senior Vice President for Legal Sector Jojo del Rosario.
Sa Facebook post ni Del Rosario, kinumpirma nito na nagsumite na siya ng irrevocable resignation na epektibo noong Agosto 24.
Ayon kay Del Rosario, naging stressful para sa kanya ang nagdaang mga araw.
Bunsod aniya ito ng mga character assassination at trial by publicity na kanyang naranasan.
Sinabi rin ng opisyal na masyado ring mabigat para sa kanya ang ipinataw na anim na buwang suspensyon ng office of the ombudsman kasama ang iba pang opisyal.
Dagdag pa nito, malaki ang naging epekto ng kanyang trabaho sa PhilHealth sa kaniyang kalusugan at maging ang oras niya sa pamilya ay apektado.
Kasalukuyang nahaharap ngayon sa mga imbestigasyon ang PhilHealth kasunod ng umano’y malawakang korupsyon sa ahensya.