Ni Pat Fulo
MAYROONG handog na libreng sakay ang Philippine Navy para sa mga frontliners na apektado ng limitadong transportasyon.
Nagpakalat ang hanay ng Navy troops ng vehicle na maghahatid ng libre sa mga frontliners habang umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa Metro Manila at ilang piling lalawigan.
Kabilang sa mga rutang dadaanan ng free ride ng Navy ay ang Commonwealth patungong Welcome Rotonda at pabalik at Pasay patungong Monumento at pabalik.