Ni Bernard Ferrer
HINDI makikibahagi ang Pilipinas sa anumang military drill na gagawin sa West Philippine Sea.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, binigyan sila ng direktiba ng pangulo na iwasan ang mga aksyon na posibleng magsimulan ng tensyon maliban na lamang kung nasa loob ito ng teritoryo ng bansa.
Nilinaw din ng kalihim na hindi isinusuko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ruling ng Permanent Court of Arbitration na pumapabor sa Pilipinas kaugnay ng maritime dispute sa China.
Igigiit anya ito ng pangulo kay Chinese President Xi Jinping bago matapos ang termino.
Sinabi ni Lorenzana na pragmatic and realistic ang pahayag ng pangulo nang sinabi nitong inutil.