Ni Melrose Manuel
MULI na namang nakapagtala ang Department of Health ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa pinakahuling datos ng DOH as of 4PM, Agosto 4, muling nakadagdag ng 6,352 upang umakyat sa kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa 112, 593 sa bansa.
Nasa 44,429 naman ang naitalang aktibong kaso.
Ang kabuuang bilang naman ng mga gumaling ay 66,049 matapos madagdagan ng 240.
Habang nadagdagan naman ng 11 ang bilang ng mga nasawi kaya’t umakyat pa sa 2,115 ang kabuuang bilang ng mga namatay.