Ni Melrose Manuel
ITINANGHAL bilang “best director” ang Pinoy filmmaker na si Romm Burlat sa Sweden Film Awards.
Ito ay para sa kaniyang pelikulang “Mammangi” na may international title na “Homecoming” na tumatalakay sa buhay ng mga corn farmers sa Ilagan, Isabela.
Labis ang pasasalamat ni Direk Romm sa bagong milestone sa kaniyang career.
Ito na ang ikalawang pagkilala na nasungkit ni Romm sa international scene, kungsaan una na itong itinanghal na best director sa India para sa kaniyang obra na “Ama Ka Ng Anak Mo” noong nakaraang taon.