Ni Bernard Ferrer
INIIMBESTIGAHAN na ng PNP Anti-Cybercrime Group ang mga reklamo kaugnay ng face shield scam.
Ito ay matapos magsulputan ang mga social media post na mga naghahanap ng suplay ng face shield para ibenta ngayong pandemya.
Ayon sa Anti-Cybercrime Group, inaalam nila kung may nagmamanipula sa demand at presyo ng face shield.
Nagpaalala rin sila sa publiko na mag-ingat sa pakikipagtransaksyon lalo na sa online.
Una nang naaresto ng pulisya at NBI ang mga may kinalaman naman sa face mask scam.