Ni Vic Tahud
OPISYAL nang inilunsad ng Philippine National Police PNP ang One Network at PNP Email System bilang new normal ngayong panahon ng pandemya.
Ayon pa kay PNP Chief, Gen. Archie Gamboa, ang nasabing One Network ay mag-uugnay sa mga iba’t ibang opisina nito sa buong bansa.
Ipinagmamalaki naman ni Gamboa na isa sila sa mga ahensya ng gobyerno na mayroong ganitong sistema kasama na ang Department of Finance, Social Security System, GSIS at Department of Science and Technology.
Aniya, ang PNP Email System naman ay magiging reliable digital communication platform kungsaan magagamit ng bawat PNP personnel.
Ang bawat isang pulis ay bibigyan ng lifetime email account na magagamit sa nasabing PNP information systems.