Ni Melrose Manuel
NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa Department of Trade and Industry (DTI) na magpatupad muli ng ‘price freeze’ sa lahat ng mga pangunahing bilihin ngayong muling umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.
Ito ay upang mapigilan aniya ang mga mapagsamantalang negosyante sa panahon ng MECQ.
Ayon kay Marcos, tiyak na sasamantalahin ng mga negosyante para itaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga merkado.
Binigyan diin pa ni Marcos na kailangang bantayan ang presyo ng manok, baboy, isda, mantika, noodles, bigas, de latang sardinas, tinapay at iba pang mahahalagang produkto na kalimitan ay binibili ng mahihirap na consumers o mamimili.