Ni Melrose Manuel
BINISITA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang “ground zero” na pinangyarihan ng magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu noong August 24 na ikinasawi ng labimpitong tao at ikinasugat ng pitumpu’t limang iba pa.
Kasunod nito, binisita rin ni Pangulong Duterte ang mga sugatang sundalo sa ospital kung saan sinabitan sila ng medalya.
Nagbigay din ang pangulo ng medalya sa pamilya ng nasawing mga sundalo maging sa isang police commando.
Ayon kay Lieutenant Colonel Rolando Mateo, tagapagsalita ng Joint Task Force Sulu, nagbigay ng inspirational talk at nagpasalamat sa mga sundalong nagsakripisyo ng kanilang buhay.
Wala naman aniyang partikular na direktiba ang pangulo at hindi rin binanggit ang rekomendasyon ng PNP at AFP na magpatupad ng martial law.