Ni Arjay Adan
NAGAWANG makapaglabas ng sweldo ng mga national athlete ang Philippine Sports Commission (PSC) isang araw bago ito pansamantalang magsara.
Ang Rizal Memorial Sports Complex at PhilSports Arena ang pinakamalalaking pasilidad ng bansa na pinapatakbo ng PSC ay pansamantalang isinara matapos na magpositibo ang isang manggagawa nito sa coronavirus.
Bagaman off-limits na ang mga complex sa publiko simula nang magkaroon ng outbreak noong Marso, isinama na rin sa lockdown ang mga opisina ng parehong pasilidad kung saan hindi rin papayagang makapasok o makalabas ang mga tauhan ng PSC.
Nagkaroon ng delay sa pamamahagi ng allowance dahil sa kinailangan nilang baguhin ang kanilang accounting system matapos na maaresto ang isa sa mga empleyado nito na nakapagbulsa ng nasa 14 milyong piso.