Ni Melrose Manuel
POSIBLENG magpatupad ang Department of Trade and Industry (DTI) ng “purchase limit” sa mga “essential goods” kung hindi titigil ang publiko na magpanic buying.
Ito ang babala ni DTI Undersecretary Ruth Castelo kasunod ng pagdagsa ng mga mamimili sa mga grocery store at palengke ngayong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay Castelo, walang dahilan para magpanic buying at maghoard ang mga tao.
Pagtitiyak ng opisyal, may sapat na pagkain at medical essentials sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ.