Ni Karen David
IPATUTUPAD muli ang paggamit ng quarantine passes sa mga lugar na isinailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.
Ito ang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año.
Ayon kay Año, ititigil muna ang mass transportation kaya hinihikayat nito ang shuttle services sa mga manggagawa.
Ibabalik din aniya ang mga checkpoints lalo na sa borders sa labas ng MECQ areas.
Kabilang sa mga isasailalim sa MECQ bukas, Agosto 4 ay ang Metro Manila, Bulacan, Laguna Cavite at Rizal dahil sa banta ng COVID-19.
Tatagal ang MECQ hanggang sa Agosto 18.