Ni Melrose Manuel
UMABOT na sa mahigit 700 ang inihaing reklamo patungkol sa umano anomalya sa distribusyon ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Batay sa tala ng PNP-CIDG mula Abril hanggang noong Biyernes Agosto 14, kabuuang 723 na ang kanilang natanggap na reklamo kaungay ng pamamahagi ng SAP.
336 sa naturang bilang ang kanilang naaksyunan na kung saan 240 ang naayos habang 46 ang kasalukuyan pa ring iniimbestigahan.
Mayroon namang 3 kaso ang isasampa sa korte at 6 na idudulog sa ibang ahensya.
Nasa 41 naman ang hindi maisasampa bunsod ng iba’t ibang kadahilanan.
Tinataya namang 1,063 ang bilang ng inireklamong mga sangkot sa umano anomalya kungsaan 455 dito ang halal na opisyal na kinasuhan na.