Ni Melrose Manuel
UMAASA si Defense Secretary Delfin Lorenzana na bababa pa ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Una nang sinabi ni Lorenzana na chairman ng National Task Force Against COVID-19 na kung bababa pa ang bilang ng tinatamaan ng sakit ay maaari nang ilagay sa General Community Quarantine (GCQ) mula Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.
Ayon sa kalihim, hindi nagbago ang kanyang posisyon na maaaring luwagan ang galaw ng publiko kahit pa nitong Lunes ay umabot sa 6,958 ang naitalang bagong kaso.
Sinabi ni Lorenzana na may ilang araw pa bago matapos ang MECQ upang mapatunayan ang kanyang pagtaya na bababa ang COVID-19 cases.