Ni Melrose Manuel
IPINAG-UUTOS ni Cambodia Interior Minister Sar Kheng sa mga opisyal ng mga probinsyang malapit sa mga border ng Vietnam na higpitan pa ang seguridad sa mga checkpoint kasunod ng pagtaas ng kaso ng impeksyon sa COVID-19 sa naturang bansa.
Nakasaad sa liham na ipinadala sa mga provincial governors na nangako rin ang mga awtoridad ng Vietnam na magpatupad ng aksyon at harangan ang mga magtatangkang tumawid sa mga border.
Hinimok ni Kheng ang mga opisyales na paigtingin ang mga health check system sa mga cargo truck at mga driver nito alinsunod sa mga alituntunin hinggil sa pag iingat na inilaan ng Ministry of Health.
Nanawagan din ang opisyal sa patuloy na pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa pag iingat laban sa COVID-19 upang mapigilan ang mabilisang pagdami ng kaso ng sakit.