Ni Melrose Manuel
MAGPAPATUPAD ng mas mahigpit na seguridad ang Joint Task Force COVID-19 Shield habang umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ito ay matapos maobserbahan na ilang Authorized Persons Outside Residence (APOR) na walang kinalaman sa trabaho ang paglabas.
Ayon kay JTF COVID-19 Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, may mga nakikipagtalo pang APOR sa mga pulis kapag di napagbibigyan na makatawid sa quarantine control points.
Kasabay nito, inatasan ni Eleazar ang mga lokal na pulisya na maging mahigpit sa kanilang pag-iinspeksyon.
Kasabay nito, nakiusap din si Eleazar sa publiko na gamitin nang tama ang ibinigay na IATF ID.