Ni Vhal Divinagracia
MUKHANG hindi lang pag-aartista ang alam ni American singer Selena Gomez.
Sa kasagsagan ng COVID-19 lockdown, pagluluto ang pinagkaka-abalahan ng nasabing singer.
Ayon kay Selena, kahit aniya hindi siya masyadong marunong magluto, pinagsisikapan nya namang matuto.
Sa isang interview sinabi nitong handog niya na rin ito sa kanyang fans.
Mga famous chefs ang bumibisita sa tahanan ni Selena at sila ang nagtuturo dito.
At sa lahat ng mga fans ng American singer, naka-ere ang nasabing cooking lessons sa HBO Max simula August 13.
Si Selena Gomez ay tampok sa sikat na kantang “We Don’t Talk Anymore” kung saan kasama nito si Charlie Puth.